Imbak para sa Kategoriyang ‘Uncategorized’

Nobyembre 24, 2007

character reference anyone

searching

Oktubre 30, 2007

how can i search particular topics, themes or tags?

Ang Pilipinong Inglesero

Oktubre 28, 2007

Panahon noon ng aking pagbabalik aral para sa pagsusulit sa wikang ingles nang batuhin ako ng simpleng tanong ng bobo kong katrabaho: “What is your favorite book and who authored it?” Halos malunok ko ang aking dila sa di malamang isasagot. Hindi ko ninais bigkasin ang salitang bible dahil ayokong mabansagan na born again christian. Hindi ko rin  nabanggit ang “The Testament” ni John Grisham (di ko pa kasi tapos basahin noon), ang kaisa-isang aklat na pinilit kong tapusin sa loob ng dalawang taon.  Pero naisip ko bible lang talaga ang aking maisasagot sakaling itanong nga ito ng British examiner pagdating ng araw ng pagsusulit. 

Tapos na sana ang aking kalbaryo ngunit humirit pa ang tsubibong kaibigan: “Why don’t you just tell me your favorite Tagalog book or describe your favorite Filipino author?” na nagdulot ng sobrang panlulumo sa aking kakayahan sapagkat liban sa wakasan at happy komiks ay wala na akong iba pang nabasang aklat o babasahin na limbag sa wikang tagalog.

 Napag-aralan ko si Francisco Balagtas, Lualhati Bautista, Carlos Romulo at Carlos Bulosan subalit hindi ko alam kung ano ang kanilang mga naiakda. Ang alam ko sila yung mga bida sa subject kong panitikan at philippine literature nung akoý nag-aaral pa. Nakakahiya mang sabihin, pati ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay sa pamagat ko lamang nakilala. Ito ang mapait na katotohanan na iginuhit ng kasaysayan simula pa noong akoý nagkamalay bilang isang Pilipino.

Isa sa mga career fantasies ko ang maging isang writer. Mahilig akong magsulat ngunit pakiramdam ko walang hilig ang pagsusulat sa akin dahil walang nag-aabuloy ng paghanga sa aking mga isinasalaysay at ibinabahagi. Tsk Tsk. Gayun pa man, di pa rin ako tumitigil sa pagsusulat. Mula sa unang paper works na aking ipinasa sa propesor kong Aleman noong akoý mag-aaral pa ng pilosopiya hanggang sa huling letter of request ng isang bobong katrabaho, patuloy na pinupunan ng aking hilig ang nagrereklamo kong hard disk. Idagdag mo pa ang underground write-ups na aking ipinasa sa Inglatera na nailathala sa isang blogspot at ipinabasa sa  buong mundo. Wow! Multiple plaudits na sana, kaso nagkaroon ako ng mga stalkers (hanep may reaksyon mula sa worldwide audience!), hindi lang isa o dalawa marami!

Malamang kung akoý nasa Pilipinas, isa na ako sa mga naging biktima nung mga nababalitaan sa TFC na inaambush na manunulat! Nangarap ang bobo!

Pero siguro nga dahil nakaugalian ko na ang magsulat simula nang matuto akong mag-rebelde laban sa aking inang bayan, sa aking sarili at sa hamon ng buhay, naging bahagi na ito ng araw-araw kong pamumuhay . Batid ng aking mga bobong katrabaho ang aking kabobohan pagdating sa pagsusulat. Minsan naisip ko para akong nakatira sa Claro M. Recto Avenue sa paglikha ng mga Reference/Recommendation Letter, Complaint/Suggestion Note, Annual Reports/Standard Operating Procedure, Incident Report, Authorization/Request Letter, Curriculum Vitae, Essays at Short Articles, Interviewee responses – para sa mga kabobong kapatid!

Ilan lamang yan sa responsibilidad na aking ginagampanan sa kasalukuyan. Parehong masaya at mahirap. Una aminado ako na hindi ako wide reader. Sa kabila nito hindi naging balakid ang “poverty of perspective” na ito dahilan upang hindi  ma-coordinate ng aking utak ang mga nais kong ipahiwatig gamit ang aking malilikot na daliri para magsulat. Bunga nito may mangilan-ngilan na nagtitiwala at namamalimos ng aking munting kakayahan. Masaya dahil nakaka-pagpataas ng morale. Ngunit gaya ng sinasabi ng maraming manunulat, sadyang mahirap ang magsulat. Marami kang dapat isaisip – panlasa ng mambabasa, sitwasyon (parang setting sa pelikula), isyung bumabalot sa ico-cover mong istorya, panahon, kondisyon ng sarili at pera. Yung una sa mga nabanggit ang pinakamahirap para sa akin. Hanggang sa ngayon, hindi ko lubos maisip kung anong recipe ang aking pinaghalu-halo upang makuha yung panlasa nung editor na Briton na nagpalaganap ng aking isinulat.

Sa maniwala man ang sarili ko at hindi, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapagsulat ako gamit ang sariling lenggwahe. Kung kilala mo si Bob Ong malamang inaakusahan mo na ako na sinusunod ko ang istilo nito sa pagsusulat. Sana nga, subalit bilang isang manunulat, pansin mo kaagad ang kaibahan mo sa iba pang manunulat. Ang taas naman ng pangarap ko para ihalintulad ang bobo kong sarili sa henyong manunulat na si Roberto. Puno ng sentimyento ang laman ng aking mga obra, walang katatawanan (ang hirap yata nun), pinipilit pailaliman ang ideya ngunit nangingibabaw ang kababawan ng aking kakayahan. Isa lamang ang nararamdaman ko sa ngayon, masarap palang magsulat gamit ang sariling wika.

Kung ano ang nag-uudyok sa aking magsulat sa ngayon ay bunga ng labis na paghanga sa kolokoy na si Bob Ong. Malamang perfect score ako sa speaking module kung nakilala ko ang magaling na manunulat bago ako umupo sa pagsusulit sa ingles. Kukulangin ang dalawang oras kung isasalaysay ko ang aking natutunan mula sa mga libro ng pilipinong bayani. Bakit nga ba hindi binigyang halaga ng aking mga guro ang mga magigiting na pilipinong manunulat nung ako’y nag-aaral pa sa high school at kolehiyo?

Bobo rin kasi ang mga naging guro ko lalo na nung elementary. Naging pamantayan nila sa paghusga ng mag-aaral ang kakayahan nitong makapagsalita ng ingles. Para sa mga ito, matalino ang bata kung ito’y marunong mag-ingles. Ingles nga naman ang gamit upang maintindihan ang math at science. At ang Filipino kadalasan napag-iiwanan. Makakuha ka man ng mataas na marka sa Filipino, tatawanan ka lamang kung puro palakol naman ang math, science at English subjects mo. Ito marahil ang dahilan kung bakit di ko nabigyang pansin si Rizal, Balagtas, Bautista, Bulosan at iba pang Pilipinong manunulat at makata. Produkto ako ng henerasyon kung saan ingles ang pamantayan ng katalinuhan, isang maling notion na kailangang pag-ibayuhin sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Exemplary performance in the english test. Isang patunay na dalubhasa nga ako sa wikang ingles at kamote sa sariling wika. Malamang kung bibigyan ako ng pagsusulit sa Tagalog katumbas ng international english language testing system pinakamababang marka ang aking makakayanan. Madaling matutunan ang ingles, mas madali sa Tagalog. Kung hirap nga sa pag-aaral ng wika ang pag-uusapan isa na ang Tagalog dito, halintulad ito ng Latin, Arabic, Urdu, Farsi at Chinese.

Third largest english speaking country in the world ba tayo? Sa anong batayan? Ewan ko kung makatarungan pa ba na tanggapin ang statement na ito. Ang alam ko hindi ganito ang tingin ng Estados Unidos at Inglatera sa mga Pilipino. Datapwa’t  gamit ang ingles bilang medium of instruction sa eskwelahan sa pilipinas di pa rin tinatanggap ng mga nasabing bansa ang kakayahan natin bilang english-speaking country. Bakit? Sa dahilang ang Estados Unidos halimbawa ang di mismo sumusunod sa sarili nitong patakaran pagdating sa pagkuha ng mga banyagang manggagawa kung saan ingles ang gamit sa paaralan, komersiyo at mga libro. Ingles ang medium of instruction at ingles din ang textbooks sa Pilipinas, ngunit hindi ito naging batayan upang alisin ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang kinakailangang magpatunay ng kakayahang makaunawa ng ingles.

Sa kabilang dako, may punto ang Estados Unidos at Inglatera. Pinanghihilandakan ng Pilipinas ang kakayahan nitong makapagsalita at makaunawa ng ingles ngunit bakit marami pa ring Pilipino ang nagsasalita ng kalabaw ingles? Kulang na lang ay magkaroon ng ibang termino ang nasabing wika. Kung mayroong pidgin sa Papua New Guinea bakit nga ba hindi pwedeng magkaroon ng Taglish, Pampanglish, Iloinglish, Pangasininglish at iba pang broken english sa Pilipinas?

Third largest. Kinakailangan bang umulit ng tatlong beses sa pagkuha ng pagsusulit sa wikang ingles? Yung iba nga umaabot na ng sampu hindi pa rin makapasa na nasabing pagsusulit. Ang hirap isipin kung bakit nakukuhang mabuo ng mga Pilipino ang crossword puzzle at hindi ang palaisipan? Batayan ba ito ng tunay na galing ng pilipino? Sa king palagay hindi, pero ang soduku, maaring maging basehan ng talino.

Bahasa ang textbooks ng aking mga katrabahong Indonesians, Arabic naman ang sa mga taga-gitnang silangan. Sa Urdu at Farsi naman nailimbag ang mga libro ng iba pang bobong propesyonal na aking kasama. Hindi nakakapagtaka na sa kabila ng namimilipit nilang dila sa pagbigkas ng wikang ingles buong pagpapakumbaba silang lumalapit upang humingi ng saklolo para mapagyaman ang kaalaman sa nasabing wika. Katanggap-tanggap ang ganitong dahilan sapagkat hindi itinuturing na mahalaga ang wikang ingles sa mga nabanggit na bansa. Kaya hanga ako sa pagsusumikap ng mga bobong nilalang gaya nila. Sa katunayan, marami ng ibang lahi ang nakinabang sa librong aking tinipon para sa pagsusulit sa wikang ingles. Marami ang nakapasa. May nagtapon ng pasasalamat, may humanga, may nag-traydor, at mayroon ding nawala na lang na parang bula.

At ang mga kapwa-Pilipino? Isa sa mga nag-traydor. Tinipon ang aking obra, gumawa ng kopya, binook-bind, pagkatapos ay ibenenta! Nagmistulang Claro M. Recto ang maliit naming komunidad. Ang masaklap pa nito nasa front page ang aking pangalan – para bang sinasabi na ako ang may pakana ng lahat at ako ang responsable sa anumang posibleng kabalbalan na mangyayari sa hinaharap. Sa ngayon hindi ko malaman kung ilang kopya na ang naikalat at naibenta nung bobong pilipinong gumawa noon. Ang alam ko nagkikibit balikat na lamang ako kapag naririnig ko ang aking pangalan at itinatanong at hinahanap kung sino at saan ako matatagpuan. Lintek!

Jun thank you very much, I just passed the IELTS with 7.0 band score” abuloy ng isang Indian na nakinabang sa aking obra. Napakasarap pakinggan kung tutuusin ngunit napakasaklap marinig na bumagsak na naman si ganito at si ganoon. Sinong sila? Mga kabobong pinoy na simula unang baitang hanggang ikatlong taon sa kolehiyo ay kasama ang asignaturang ingles sa bawat taon at semestre sa kanilang kurikulum. Kung bibilangin halos labintatlong taon natin pinag-aralan ang ingles sa pilipinas. Liban pa sa itinuro ng ating mga magulang at nakatatandang kapatid na tagalog-ingles-tagalog. Limang taon pa lamang ako ay naririnig ko na ang tulang “henny penny has a red hen” mula sa aking kuya at ang speech ni Abraham Lincoln na Gettysburg address mula sa aking mga ate. Hindi ko nauunawaan ang nilalaman ng mga tula at speech na ito noon basta ang alam ko masarap silang bigkasin at magandang pakinggan sa tenga. Dahil dito, nasa ikaapat na baitang pa lamang ako ay naisaulo ko na ang Gettysburg address  na aking nabasa sa kwaderno ng aming panganay. Kung buhay pa si Rizal sa ngayon, malamang binatikos na ako sa dating kong di-makabayan!

Makabayan. Sino nga ba ang tunay na makabayang Pilipino? Yung ingleserong bobong pilipino na nag-aastang mayaman sa ibayong dagat at pinipilit talikdan ang lupang pinagmulan? Minsan nakita ako ng isang kabobong pinoy habang binabasa ang aklat ni Bob Ong. Kinilatis ang libro at nang mabasa ang pangalan ng may akda, tinanong kung itoý Intsik o isang Pilipino. Tinugon ko ito na Pilipino. “Ay walang kwenta.”  Parang kinurot ang aking puso. Lalo pa akong nasaktan ng ibida ko ang nasabing akda at mga libro nito. “Sorry hindi ako nagbabasa ng mga tagalog na libro at gawa ng pilipino.”

Pilipino. Mahirap bang tanggapin ang katotohanan na napurga ang iyong utak sa rasyon ng nutriban, klim at darak mais nang ika’y musmos pa lamang sa pampublikong paaralan? Hindi mo na ba maalala yung haba ng distansyang nilalakad mo mula sa inyong tahanan hanggang sa mala-bahay kubong eskwelehan? Kung tatlo o limang kilometro ang layo nito, gayun din ang itatagal mo sa ilalim ng init ng araw sa iyong paglalakad. Ngunit di ito naging balakid kahit na alam mong tinapang galunggong at talbos ng kamote ang naghihintay sa iyo sa hapag kainan sapagkat gusto mong mahubog ang iyong kamalayan. At yung plastik bag na ginamit mo bilang back pack, plastik ng yelo bilang pencil case, butas na uniporme, at matigas na sapatos na hiniram mo sa kapitbahay ninyo tuwing may demo ang teacher nyo? Ano ang kaibahan ng nakasakay sa ibabaw ng kalabaw sa pilipinas at nakasakay sa magara at air conditioned na sasakyan sa lupang kinalalagyan mo sa ngayon? Sa una berde o luntiang paligid ang iyong masisilayan at sariwang hangin ang iyong malalanghap, sa ikalawa amoy ng arabo at indiano ang lilikha ng exhaust sa ilong mo dahilan upang ikaý makasagap ng amoy na hindi mo man lang naranasan sa sariling bayan at ngayoý nagdulot ng allergic rhinitis o ano pa mang karamdaman sa pinakaaalagaan mong katawan. Maisip at maisapuso nawa ng mga bobong pinoy kahit hindi na ang prinsipyong “solidarity with the poor” ngunit “in solidarity with thy root.”

At bago sumabog ang init ng dugo sa aking katawan, kung inyong mamarapatin ay isasarado ko muna ang daloy ng sanaysay na ito. Viva Filipinas! Espanyol po yun hindi ingles! Salamat at hanggang sa muli.

Ang aking mga naging marka sa English at Pilipino simula elementary at college (kayo na ang humusga):

Pilipino – Cinco to C+

English – Bingo to  A (may karugtong…)

Hello world!

Oktubre 28, 2007

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!